Concept News Central
Sharon imbiyerna sa mga artistang nagpapabayad para sa fake news
Published
2 months agoon

DIRETSAHANG sinagot ni Sharon Cuneta ang tanong ukol sa mga kapwa artista na pumapayag magpabayad para magpakalat ng mga fake news.
Sey ni Megastar sa story conference ng Revirginized, comeback movie niya sa Viva Films after 19 years, na ididirehe ni Darryl Yap at pagsasamahan nila ni Rosanna Roces, “Ikinahihiya ko sila!”
Naitanong ito sa aktres kasunod ng paglabas ng balita sa Rappler na ilang celebrities ang nagpapabayad para magpakalat ng fake news. Itinanggi na ng ibang artista ang ukol dito.
“Ikinahihiya ko sila,” giit ni Sharon.
“Noong kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunwaring presidente, o-offer-an ka ng milyon-milyon para sila iendoso mo. Never akong nagpabayad. Lagi akong, ‘I’d rather go with this one kahit matalo kasi ’yong prinsipyo, ganyan-ganyan, or whatever my beliefs were pumapantay.”
Naalala pa nga ni Sharon na mayroon siyang endorsement na hindi tinanggap dahil mas gusto niyang mag-endoso ng produktong gusto niya kaysa naman hindi niya pinaniniwalaan.
“Hindi ma-ano ng konsensiya ko na ’yong ine-endoso ko’yong followers ko, isu-support ’yon tapos madi-disappoint sila. So, hindi lang ’yong pangalan ko ang nasira, kundi ’yong trust nila na pinaghirapan kong buuin over the years,”sambit ng megastar.
“So, kung pinatulan ko lahat ng endorsement ngayon, siguro doble na ’yong ipon ko sa ipon ko ngayon.”
Ganito rin ang gagawin niya pagdating sa fake news at paninira.
“Alam kong mahirap ang buhay pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?
“Kasi hindi hamak na mas rerespetuhin ko kung sa totoong tao na tapat sa ginagawa kaysa roon sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ng peke.”
“Ginagamit mo ’yong impluwensiya mo sa maling paraan o para kumita. It’s despicable to me. It’s unacceptable to me. Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” dagdag pa ni Sharon.


DILG chief to make recommendation for next PNP chief soon

Pagkamatay ng batang hinabol ng tanod, iimbestigahan

ONE on TNT III: Team Lakay’s Danny Kingad weighs in on upcoming flyweight contest

La Greta gets COVID-19 jab

Duterte shrugs off alleged coup plot

DoF assures Phl’s financial sustainability amid the pandemic

Explainer: Key Facts About the European Super League

WPS issue will not spark AFP withdrawal of support to Duterte

Super Bowl MVP Tom Brady recovering from minor knee surgery

Fetus tinangkang i-flush, buking nang bumara

Casimero faces ‘The Jackal’

Disguised as Awra, vlogger Buknoy namedrops Vice, Ion

Aura punishes trio marksman lineup, sweeps Onic

Social media stars `JaMill’ embroiled in cheating scandal

Lucio Tan hit with virus but ‘improving’

Vlogger na si Camille Trinidad binasag na ang katahimikan

Community pantry: Activism to feed the people

Thinking out of the (Covid-19) box

Avoid bill shock, pay bills on time
