Connect with us

Concept News Central

Tala Hospital sa Caloocan handa na para sa Sinovac vaccines

Avatar

Published

on

Sa inaasahang nalalapit na pagdating ng Sinovac vaccines mula sa China ay nagbigay ng pahayag ang Tala Hospital na handa na sila para rito.

Ang Tala Hospital ay isa sa mga unang mabibigyan ng Sinovac vaccines sa pagdating nito ngayong Linggo.

Sa isinagawang inspeksyon ni Department of Health (DOH) official Eric Tayag ay wala itong nakitang problema sa magiging proseso ng pagpapabakuna sa mga tauhan ng ospital.

Mayroon na rin umanong nakahanda na lugar para suriin ang mga mababakunahan sa mga posibleng side effects upang agarang mabigyan ng paunang lunas.

Aabot na sa 92% ang pumayag na magpaturok ng Sinovac na katumbas ng 1,911 tauhan ng ospital.

Nasa 400 health workers sa kada araw ang babakunahan at kaya umano itong tapusin sa loob ng tatlong araw.

Kung sakali naman na may umatras ay rerespetuhin umano ng ospital ang desisyon ng kanilang mga tauhan at ibibigay sa ibang nais magpabakuna upang mapakinabangan

Advertisement
Advertisement
Advertisement