Concept News Central
PNP-PDEA SHOOTOUT PROBE SA KAMARA KANSELADO

Published
2 months agoon

Hindi muna mag-iimbestiga ang House committee on dangerous drugs tungkol sa naganap na barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth avenue sa Quezon City nitong Miyerkules.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chair ng komite, hindi muna sila magsasagawa ng imbestigasyon upang bigyang daan ang isinasagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation hinggil sa insidente.
Sa Palasyo, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipagpaliban na muna ang mga nakatakda nitong pagdinig hinggil sa shootout na ikinasawi ng lima katao.
Pakiusap ni Duterte hayaan na munang gawin ng NBI ang imbestigasyon bago pumasok ang Kamara at Senado sa kani-kanilang pagbusisi.
“Our scheduled committee hearing or investigation in aid of legislation on Monday, March 1, is temporarily suspended as a courtesy to and in order not to hinder the ongoing investigation,” pahayag ni Barbers sa isang kalatas.
Samantala, inaasahan na magbibigay rin ng kanyang pahayag si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na siya namang chairman ng committee on public order na magsasagawa sana ng imbestigasyon sa Martes.
Una nang iniutos ni Duterte sa NBI na imbestigahan ang nasabing shootout.
“Gusto ng Presidente na magkaroon ng impartial investigation para maiwasan ang mga malilikot na mag-isip at para rin sa peace of mind ng mga biktima na patas ang imbestigasyon,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.


Multi-billion genomics program pushed

LOOK: FaZe clan co-owner challenges Jake Paul to a fight

“Bayanihan” on full display during time of pandemic

DILG chief to make recommendation for next PNP chief soon

Pagkamatay ng batang hinabol ng tanod, iimbestigahan

Gretchen Barretto gets Covid-19 vaccine shot

ONE on TNT III: Team Lakay’s Danny Kingad weighs in on upcoming flyweight contest

La Greta gets COVID-19 jab

Duterte shrugs off alleged coup plot

DoF assures Phl’s financial sustainability amid the pandemic

Casimero faces ‘The Jackal’

Disguised as Awra, vlogger Buknoy namedrops Vice, Ion

Aura punishes trio marksman lineup, sweeps Onic

Social media stars `JaMill’ embroiled in cheating scandal

Lucio Tan hit with virus but ‘improving’

Vlogger na si Camille Trinidad binasag na ang katahimikan

Community pantry: Activism to feed the people

Thinking out of the (Covid-19) box

GCQ in May still premature
