Connect with us

Concept News Central

Nahuling walang mask, kalaboso sa P204K na halaga ng shabu

Avatar

Published

on

Himas-rehas ngayon ang isang babaeng nahulihan ng nasa tinatayang P204,000 na halaga ng shabu matapos sitahin ng mga awtoridad dahil wala itong suot na mask sa Lungsod ng Caloocan, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni Caloocan City Police Chief Col. Samule Mina Jr. ay kinilala ang suspek na si Janice Espiritu, 37- anyos, ng Gen. Malvar, Bagong Barrio, Brgy. 143 ng nasabing lungsod.

Ganap na alas 4:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Station sa kahabaan ng Magaling St., Brgy. 145 ng nasabing lugar, doon nila namataan ang suspek na walang suot na mask kaya agad nila itong sinita.

Nang makita ng suspek ang mga awtoridad na palapit sa kanya ay bigla na lamang itong nagtatakbo dahilan upang habulin siya ng pulisya.

Agad na inutusan ng mga awtoridad ang suspek na ilabas nito ang mga laman ng kanyang bag at doon na nga nakita ang isang medicine kit na naglalaman ng anim na heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bagong Barrio detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Advertisement
Advertisement
Advertisement