Connect with us

Concept News Central

Gary V, Arjo, Donny, Maymay, Edward, Francine di lalayas ng ABS-CBN

TDT

Published

on

Kung maraming Kapamilya stars ang isa-isa nang naglayasan mula nang naipasara ang ABS-CBN at dahil na rin sa pandemya, meron din namang ilan na piniling manatili sa nasabing network.

At kamakailan lang ay pumirma sa bagong kontrata with ABS-CBN ang mga stars na sina Pure Energy Gary V., Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward Barber, Donny Pangilinan and Francine Diaz as announced by the network on Instagram.

At ngayon ay pinamumunuan na ni Lorenti Dyogi ang talent arm ng ABS-CBN na Star Magic.

Ito ay matapos lumayas sa bakuran ng network ang founder nito na si Johnny Manahan bunsod sa matagal na umanong problema bago pa ang network shutdown at pandemic.

Noong isang taon, matapos ang hindi pagkakarenew ng prangkisa ng network na sinabayan pa ng pandemya, maraming talent ng ABS-CBN ang nangibang-bakod na.

Ilan dito ay ang mga big stars na sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Julia Barretto at Piolo Pascual.Sa isang post ni Arjo Atayde sa kanyang Instagram account, sinabi nito na forever siyang mananatili sa ABS-CBN.  At malaking isyu anya sa kanya ang loyalty kung kayat hindi niya umano nakikita ang sarili na aalis sa nasabing network.

Advertisement
Advertisement
Advertisement