Connect with us

Latest

2 warehouse ng pekeng sigarilyo sa Bataan sinalakay

Jonas Reyes

Published

on

ORION, BATAAN – Sinalakay ng mga pulis ang dalawang warehouse ng bigas na ginagamit umanong imbakan ng mga pekeng sigarilyo sa bayan ng Orion, nitong Biyernes.

Unang sinalakay ng pulisya ang Crisostomo Rice Mill Wareous sa barangay Sto. Domingo, ayon kay PNP Region 3 chief Brig. Gen.Valeriano De Leon.

Sinundan ang operasyon sa EBG Rice Mill Warehouse sa may National Road, barangay Balagtas.

Ayon kay De Leon, armado ng Letter of Authority – Power to Inspect and Visit for Violations of Chapter 3, Sec. 224 of the Customs Modernization and Tariff Act ang mga pulis kasama ang Bureau of Customs at nga miyembro ng Japanese Tobacco Inc. nang magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng may P20 milyon halaga ng makinaryang panggawa ng pekeng sigarilyo.

Nakumpiska rin sa operasyon sa ikalawang warehouse ang hindi mabilang na dami ng sako ng bigas at mga master case ng pekeng sigarilyo ng Winston red, Marlboro green, Shuang XI red, Seven Stars, Jackpot, D & B at Marvels red na may kabuuong halaga ng P10 milon.

Ang warehouse ay sinasabing nirerentahan ng isang  nagngangalang Tony Vargas ng 1127 Mabini St., Malate, Manila.  Pag-mamay-ari naman diumano ang warehouse ng isang Eric Sioson ng Balanga City.

Advertisement
Advertisement
Advertisement