Connect with us

Concept News Central

NBI isasailalim sa autopsy ang 4 na nasawi sa PNP-PDEA shootout

Alvin Murcia

Published

on

Magsasagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng autopsy sa apat na nasawi matapos ang sinasabing misencounter sa pagitan ng mga police at miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Miyerkules.

Sinasabi ni NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na isamg buong forensic investigation ang gagawin ng NBI.

Idinagdag ni Lavin na natapos na ang pangangalap ng NBI ng mga ebidensiya sa pinangyarihan ng shootout sa labas ng Ever Gotesco, Commonwealth sa Quezon City.

Kabilang ang parking lot, ang fast-food outlet sa mga lugar na napuntahan na ng NBI, ayon pa kay Lavin.

Idinagdag ni Lavin na bukod sa mga pahayag ng mga testigo, kumpiyansa ang NBI na makakakalap ng karagdagang impormasyon mula sa mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Ani Lavin hinihintay pa nila ang mga ebidensiya mula sa PDEA at PNP. 

Nauna nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NBI na siyang magsagawa ng imbestigasyon para matiyak ang patas na resulta ng pagsisiyasat.

Advertisement
Advertisement
Advertisement