Connect with us

Concept News Central

Sunog sumiklab sa Pasay City

Avatar

Published

on

Sugatan ang isang fire volunteer matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. 187 Sto. Nino st., Taft Ave., Pasay City, alas-4 ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang bahay na walang tao.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa magagaang materyales ang bahay.

Agad namang naapula ang sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at ang halaga ng natupok na ari-arian.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement