Connect with us

Concept News Central

PNP, PDEA napaglaruan ng sindikato?

Avatar

Published

on

Sinisilip ngayon ng National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang posibilidad na “napaglaruan” sila ng sindikato ng droga kaya nagsalpukan ang kanilang mga operatiba sa Quezon City nitong Miyerkules.

Dalawang pulis, isang PDEA agent, at isang impormante ang nasawi habang isang pulis at tatlong PDEA agent ang nasugatan sa engkuwentro ng mga operatiba, sabi ng mga pinuno ng dalawang ahensiya sa isang pulong-balitaan Huwebes.

Bukod sa mga nasawi’t nasugatan sa panig ng PNP at PDEA, may mga sibilyan ding naipit sa engkuwentro bagamat walang nasugatan, at may mga ari-arian pang nasira.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villanueva, lumalabas sa inisyal na ulat na parehong buy-bust operation ang isinagawa ng PDEA Special Enforcement Service at Quezon City Police District Special Operations Unit, pero hindi pa nila ito itnuturing na totoo.

Ito aniya’y dahil hindi maaari na parehong “bumibili” ng droga ang magkabilang panig, at bawal naman sa batas ang “sell-bust” o kunwaring pagbebenta ng droga para makahuli ng suspek.

Bago ito, naglabas ang pulisya ng isang ulat na nagsasabing buy-bust nga ang ginawa ng mga tauhan nito, at huli na lamang napag-alaman na mga taga-PDEA ang ka-transaksyon. Sinabi rin sa ulat na ang mga agent ang unang nagpaputok.

Iginiit naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon sa isang panayam na lehitimo ang operasyon ng kaanilang mga agent, at sinabi na nakuha pa ng mga ito ang buy-bust money.

Pero sa pulong-balitaan, sinabi nina Villanueva at PNP chief Gen. Debold Sinas iwinawaksi muna nila ang mga ulat ng magkabilang panig para bigyang daan ang imbestigasyon ng joint board of inquiry ng dalawang ahensya.

“If we will side sa mga tao natin, magsasabong talaga… baka yung mga tao namin sa baba mag-initan, magbarilan,” ani Sinas.

Advertisement
Advertisement
Advertisement