Connect with us

Concept News Central

P5M natangay sa sangla-tira modus

Avatar

Published

on

Isa pa sa mga nabiktima ng suspect ay si Jimboy Quiapo na hiningan umano ng halagang P50,000 ni Salazar.

Isang babae ang nahaharap ngayon sa kasong syndicated estafa matapos siyang ireklamo ng mga nabiktima niya sa sangla-tira modus kung saan ay nasa P5,000,000 ang kanyang natangay sa Lungsod ng Navotas.

Kinilala ang suspek na si Jonna Salazar Mission, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Ayon kay Noli Cabas, isa sa mga nabiktima ni Salazar, nagbigay umano siya ng halagang P80,000 sa suspect ngunit hindi pa rin sila pinapalipat sa isinasanlang bahay at sa huli ay nalaman nilang nakasanla rin pala umano ito sa iba’t ibang tao.

Pinag-ipunan umano nila ng kanyang misis ang perang tinangay ng suspek ng mahabang panahon at hindi umano sila makapaniwala na sa ganoong paaran lang ito malulustay, dagdag pa ni Cabas.

Isa pa sa mga nabiktima ng suspect ay si Jimboy Quiapo na hiningan umano ng halagang P50,000 ni Salazar at nangako sa kanilang palilipatin na sila sa bahay noon sanang ika-7 ng Enero, taong kasalukuyan.

Ngunit magda-dalawang buwan na umano ay hindi pa rin sila pinalilipat.

Nasa halos sampung taon din umano niyang pinag-ipunan ang nasabing pera sa pagkakargador sa fish port.

Depensa naman ng suspect ay nabiktima rin lang umano siya ng mga nakuha niyang ahente sa nasabing bahay at nangako na kapag tuluyan na umano niyang nabenta ang mismong bahay na kanya rin isinanla sa maraming tao ay babayaran umano niya lahat ang mga biktima.

Ngunit sa kabila noon ay sasampahan pa rin umano si Salazar ng kasong syndicated estafa ng mga nagrereklamong biktima pati na umano ang mga kasabwat ng suspek na mga tauhan ng barangay.

Mariin namang itinaggi ng kapitan ng nasabing barangay na may kinalaman siya sa nasabing modus.

Umabot na umano sa P5 milyon ang na-estafa ng suspek sa marami niyang biktima at dalawa lang sina Cabas at Quiapo sa kanila.

Samantala, upang hindi mabiktima sa parehong modus, kailangang masuri muna ng mga bibili ng sanlang bahay ang property sa Land Registry Office ng munisipyo. Kinakailangan din na suriing mabuti ang background ng mga katransaksiyon upang malaman kung may record na ba ito ng panloloko.

p: wjg

Advertisement
Advertisement
Advertisement