Connect with us

Concept News Central

Kitkat kay Janno: ‘Wag mong palabasin na kasalanan ko

Avatar

Published

on

AYAW na sanang magsalita ni Kitkat Favia ukol sa nangyari sa kanila ni Janno Gibbs.

Subalit parang siya pa ang sinisisi sa nangyaring gusot sa kanila ng singer/actor.

Bagamat tinuldukan na rin ni Janno at naglabas na ito ng official statement, may ilang bagay namang gustong linawin si Kitkat tulad ng pagbibintang na akala niya’y nagkapatawaran na sila pero sumige pa rin sa pagpo-post ang komedyana.

Giit ni Kitkat, ang mga screenshot na inilabas ni Janno na sinasabing tinanggal niya ay post niya noong araw na nangyari ang insidenteng minura siya ng singer/actor.

“Natural na reaction ‘yun ng mga taong minura-mura at dinuro-duro ka,” lahad ni Kitkat nang makausap namin ito. “Pero tinanggal ko ‘yung post na ‘yun nang sabihin sa akin ng management (Net 25) na alisin. Sumunod ako.

“After that, ang sunod kong post ay iyong pagpapatawad na. Ipinakita ko rin muna ‘yun sa kanila (Net 25) bago ko ipinost. Other than that, wala na,” paglilinaw pa ni Kitkat.

Hamon pa ni Kitkat, ilabas ang video ng nangyaring taping ng kanilang Happy Time para magkaalaman na.

At kanina, mainit-init pa nagbigay na ng official statement si Kitkat para sa ikalilinaw ng lahat.

Narito ang buong statement ni Kitkat.

“Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.

 “Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.

 “Opo, inaamin ko yung pinakauna kong statement ryt after ng nangyari ang lahat na ipina-delete din agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan. Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo.

 “Natanggal ako sa afternoon show namin, sa dahilang di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay.

 “Naiintindihan ko naman.

 “Provoked? We were playing games, of course, “asaran” is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawalaka were not part of the game …

 “Play. Naglalaro tayo, Naglalaro.

 “Napikon ka. Yan ang nangyari… Ako ang dapat napikon,  pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.

“Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.

“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.

 “Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked”?

 “Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?

 “Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan.

“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong nagpatawad na rin kita.

 “Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo.

Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..

 “But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it. You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already. Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.

“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.

“Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko. Mahal ko po kayo with so much Respect…

“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.

“This is the LAST time I am going to talk about this.

“Maraming Salamat Po 🏻”

Advertisement
Advertisement
Advertisement