Connect with us

Concept News Central

Katotohanan ilabas

TDT

Published

on

Nagulantang ang lahat sa sinasabing ‘misencounter’ sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency sa
Ever Gotesco, Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules ng hapon na kung saan dalawang pulis at isang miyembro ng pulis ang namatay.

Matapos ang insidente, kapwa sinabi ng PNP at PDEA na isang lehitimong operasyon ang isinagawa, na nauwi sa barilan sa magkapabilang panig.

Bukod sa pinagsamang imbestigasyon ng PNP at PDEA, magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Senado at Kamara at maging ang National Bureau of Investigation (NBI).

Maging si Pangulong Rodrio Duterte ay nagpahayag ng pagkalungkot at pagkaalarma sa nangyaring miscounter.

Nangako ang Palasyo ng magsasagawa ng “impartial investigation” at aalamin ang puno’t dulo ng nangyaring misencounter.

Sa isang joint press conference, kapwa tiniyak nina PNP Chief Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva na may mananagot sa nangyaring trahedya.

Tumanggi naman sina Sinas at Villanueva na magbigay ng detalye sa nangyaring misencounter sa pagsasabing dapat antayin muna ang resulta ng imbestigasyon na isasagawa kaugnay ng madugong barilan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng misencounter sa pagitan ng mga otoridad ng pamahalaan.

Matatandaang nagkaroon din ng labanan sa pagitan ng siyam na pulis at apat na miyembro ng Army intelligence officers sa Maubo, Patikul noong 29 Hunyo na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo.

Naghihintay ang lahat kaugnay ng detalye kaugnay ng misencounter at nararapat lamang na ilabas ang katotohanan dito at papanagutin kung sino ang nagkamali sa pangyayari.
Ang magagawa na lamang natin ay maghintay at maniwalang lalabas ang katotohanan.

Advertisement
Advertisement
Advertisement