Concept News Central
Duterte: NBI lamang ang mag-iimbestiga sa PNP-PDEA ‘misencounter’

Published
2 months agoon

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na itigil ang isinagawang imbestigasyon kaugnay ng shoutout sa pagitan ng mga pulis at ahente ng PDEA sa Ever Gotesco, Commonwealth, Quezon City, noong Miyerkules, na nagresulta sa pagkamatay ng apat at pagkasugat ng tatlong iba pa.
Sinabi ni presidential spokesperson Secretary Harry Roque na nais ni Duterte na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang siyang tanging hahawak sa imbestigasyon kaugnay ng insidente para matiyak ang patas na resulta ng pagsisiyasat.
“Nagdesisyon na po ang Presidente na tanging ang NBI lang po ang pwedeng mag-imbestiga sa putukan na nangyari sa panig ng pulisya at kapulisan sa Quezon City,” sabi ni Roque.
“‘Yung mga binuo pong joint panel para dyan ng PNP at PDEA ay hindi na tutuloy sa kanilang imbestigasyon,” ayon pa kay Roque.
Idinagdag ni Roque na mandato ng NBI na siyang magsagawa ng pagsisiyasat kung ang mga nasasangkot ay mga unipormado miyembro ng pamahalaan.
Nauna nang binuo ng PNP at PDEA ang isang joint panel para matukoy kung sino ang dapat managot sa nangyaring barilan na tumagal ng isang oras. Kapwa sinabi ng PNP at PDEA na lehitimo ang kanilang isinagawang buy-bust operation.
Nagresulta ng panic ang nangyaring sagupaan sa mga motorista at mga dumadaan malapit sa shopping mall, na natapat sa rush hour. Wala namang nadamay na sibilyan sa pangyayari.
Kapwa nangako sina PNP chief Gen. Debold Sinas at PDEA director general Wilkins Villanueva na mananagot ang mapapatunayang may pagkakamali sa insidente.
Inamin nina Sinas at Villanueva na posibleng napaglaruan sila ng mga sindikato ng droga, sa pagsasabing magkaiba ang kanilang target sa operasyon.
Isinailalim na sa restristrive custody ang 10 pulis at pitong miyembro ng PDEA na direktang sangkot sa barilan.
Nakatakdang ring magsagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on public order sa pamumuno ni dating police chief at kaalyado ni Duterte na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at House committee on dangerous drugs board sa pamumuno ni Rep. Ace Barbers kaugnay ng ‘misencounter’ sa susunod na linggo.

Baguio is open to tourists again

Miss Universe taps Filipino designer Jojo Bragais as official shoe provider

Ciara Sotto defends Maine Mendoza from bashers for past “offending tweets”

Jhong Hilario nagpaalam na sa Your Face Sound Familiar

ABS-CBN’s reckless WPS news coverage

Bren Esports survives scare from Cignal Ultra

Charlatans proliferate

Set up e-business one-stop shops, LGU told

Vax maker to Biden: Lift materials embargo

JFC US expansion now at high gear

Social media stars `JaMill’ embroiled in cheating scandal

Casimero faces ‘The Jackal’

Lucio Tan hit with virus but ‘improving’

Family tragedy’s tragic ending

Thinking out of the (Covid-19) box

Cusi: US vows RE investment soon

‘Silent diplomacy’ keeps peace at WPS

OFW, economic frontliners next in inoculation list

Heaven Peralejo: Bashing, rumors too much to bear
