Connect with us

Concept News Central

Derek nag-init sa ‘tikiman’ with Ellen

TDT

Published

on

HINDI pinalampas nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang mga basher na nag-react sa kanilang mga sweet photo.

Maraming negative reactions ang ibinabato kina Ellen at Derek at pinagbibintangang inuunti-unti nila ang pag-amin sa tunay nilang relasyon.


At kahapon hindi nakatiis kapwa sina Ellen at Derek lalo’t may nagsabing nagtitikiman lang sila.

May nagsabi ring bakit hindi makaamin ang dalawa sa totoo nilang relasyon gayung maya’t maya ang pagpapakita nila ng sweetness.

Sinabi ring public figures but not a good influence to youth ang dalawa.

Sa Instagram Story ni Ellen, sinagot niya ang comment ng basher na, “Public figure but not a good influence to youths.”

Anang sexy star, “Yet you follow me, judge me, and allow your mind to be exposed to ‘our’ influence. Whose choice is that now? Shouldn’t you be protecting yourself and your peace?”

Sinegundahan naman at kinampihan ito ng isang netizen at nagkomento ng, “DEREK – Single dad, gwapo, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. ELLEN – Single mom,

gwapa, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers. BASHERS – Single, pangit, pobre, feeling perfect at pinoproblema ang buhay ng ibang tao! 2021 na uy!”
Natuwa si Ellen sa komento ng netizen at at sinagot ng “Tawang tawa kami hahahaha @ramsayderek07.”

Hindi rin ito inisnab ni Derek at sinabing, “Genius.”

Nag-init naman si Derek sa komento ng isang netizen na, “Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang…Tinikman mo.”

Sagot ni Derek, “I hope you find joy with the words you have expressed to me and Ellen.”

Bago ito’y isang kaibigan ni Derek ang nagsabing in love ang kaibigan niyang actor kay Ellen. At si Ellen, umaming ang pagtitinginan nila ni Derek ay ‘intense.’

Nakapagbitaw din ng salita si Derek ukol sa friendship nila ni Ellen na masaya sila at marami silang pagkakahalintulad ng sexy aktres kaya siguro click sila.

“Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin. We really enjoy each other’s company,” giit ng actor sa isang panayam.

Nagsimula ang pag-uugnay sa dalawa nang i-post ni Ruffa Gutierrez ang picture nila na may caption na ‘Walang malisya’ mula sa isang dinner party.

Pagkaraan niyon ay napadalas na ang pagkikita nina Ellen at Derek. Nariyan ang pagpunta nila sa beach kasama ang pamilya ng actor at anak ni Ellen, sabay mag-work-out, pagpunta sa golf at kung ano-ano pa.

Advertisement
Advertisement
Advertisement