Connect with us

Concept News Central

Call center agent, 1 pa arestado sa P780K marijuana sa QC

Paula Antolin

Published

on

Arestado ang 24-anyos na call center agent at isa pang kasabwat matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba mula sa Galas Police Station sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Jericho Rivera, 24, call center agent, ng San Juan City at Leo Bermudez, 25, ng Brgy. Sta. Lucia, Quezon City.

Idinagdag ng pulisya na isang impormante ang nagsumbong kaugnay ng ilegal na aktibad ni River.

Isinagawa nag operasyon sa No. 29, Diego Silang st., Brgy. Sta. Lucia, Quezon City kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng P23,000 shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na kilo ng marijuana, na nagkakahalaga ng P780,000, weighing scale at cellular phone.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Advertisement
Advertisement
Advertisement