Connect with us

Concept News Central

16-anyos sinapak ng tatay ng girlfriend

Avatar

Published

on

Isang 16-anyos na binatilyo ang nasapak ng tatay ng kanyang girlfriend sa Paranaque City Huwebes ng hapon.

Ito ay matapos siyang makitang nakahubad ng ama ng kanyang girlfriend na nakahubad at nakahiga sa kama ng huli.

Ayon sa salaysay ng suspek, dumating siya sa kanilang bahay alas 4:30 ng hapon at naabutan ang anak na menor-de-edad din na tila may masamang pakiramdam.

Hinatid umano ng suspek ang kanyang “anak-anakan” sa loob ng kwarto nito nang bigla na lang tumambad sa kanya ang nakahigang suspek na halos walang saplot sa katawan.

Kwento pa ng suspek, nagdilim ang kanyang paningin kung kayat nasuntok niya ang binatilyo.

Nagreklamo ang biktima sa pulisya ng physical injury at child abuse laban sa suspek.

Agad namang sumuko ang suspek sa pulisya at inako na nasaktan nga niya ang suspek.

“Kung kayo nasa kalagayan ko at makita niyo na may lalaking hindi mo kilala na nakahubad sa kama ng anak mong babae, baka mas malala pa ang magawa niyo,” pahayag ng suspek nang makapanayam ng Tribune.

Napag-alaman na nakilala lang ng anak ng suspek ang binatilyo sa Facebook may 10 araw lang ang nakakaraan.

Advertisement
Advertisement
Advertisement