Connect with us

Concept News Central

1 patay, 19 sugatan sa aksidente sa Bukidnon

Avatar

Published

on

Isa ang patay, samantalang 19 na iba pa ang sugatan matapos na bumaliktad ang isang bus na may sakay ng mga Catholic Eucharistic minister sa kahabaan ng national highway sa sitio Kinalon, Barangay Lirongan, Talakag, Bukidnon, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Sammy Acoledo, na kabilang sa 44 pasaherong sakay ng bus na dadalo sana sa isang retreat sa bayan ng Lantapan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pawang mga miyembro ang mga pasahero ng Eucharistic minister na “Alagad”  sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur at patungo sana sa isang taunang retreat ng kumbento sa Bukidnon.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa minamanehong bus nang magluko ang makita at habang binabagtas ang pa-zigzag na kalsada sa kahabaan ng national highway.

Isinugod ang 19 na sugatang pasahero sa Polymedic Hospital sa Malaybalay City.

Pansamantalang nanunuluyan ang iba pang mga pasahero sa isang Simbahan sa Barangay Alanib, sa bayan ng Lantapan.

Advertisement
Advertisement
Advertisement