Connect with us

Concept News Central

P3.4M halaga ng shabu nasakote

Avatar

Published

on

Ang suspect at ang nahuling shabu sa kanya. (PDEA)

Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis sa isang lalaking drug courier matapos isagawa ang buy-bust operation sa isang mall sa Caloocan City – North kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional (PDEA) IV kay Gen. Director Wilkins Villanueva, alas – 10 pasado ng Martes nang maaresto ang suspek na si Jovit M. dela Cruz, 27 anyos, taga-Brgy. 185, Malaria, North Caloocan.

Nahuli umano nila ang suspek sa isang mall sa Quirino Avenue ng nasabing lugar dahil hindi na siya nakapalag nang agad maposasan ng mga pulis.

Bukod sa buy-bust money, tinatayang nasa 500 gramo ng shabu ang nakuha kay Dela Cruz.

Napag-alaman naman mula sa suspek na napag-utusan lamang umano siya na ihatid ang limang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa nasabing mall at kapag umano naihatid na niya ito ay babayaran umano siya ng P5,000.

Hindi naman umano niya alam na shabu pala ang ipinapahatid sa kanya, gayundin ay hindi niya rin alam na mga tauhan pala ng PDEA ang katransaksiyon ng nag-utos sa kanya, ngunit nang tanungin kung sino ang sinasabi niyang taong iyon ay hindi naman niya ito masagot.

p: wjg

Advertisement
Advertisement
Advertisement