Connect with us

Concept News Central

Legal na bakbakan sa The Medical City tinuldukan ng CA

Alvin Murcia

Published

on

Ilang taon din naglabanan ang kampo ni dating Health Secretary Alfredo Bengzon at ang kasalukuyang nagpapatakbo the Medical City pero in the end, ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pagpapawalang bisa mayorya ng shares ng kumpanya kontra sa minorya.

Ang usapin ay iniakyat sa CA ng pamilya ni Jose Xavier Gonzales, kasama ang Viva Holdings (Philippines) Pre. Ltd., Viva Healthcare Ltd. upang kuwestiyunin at ipabaliktad ang 13 Agosto na ruling ng SEC.

Matagal din ang litigasyon pero nito lamang ay nagpalabas ang CA’s Special Fifteenth Division na partly granted ang consolidated petitions ng Fountel Corporation and Felicitas Antoinette, Inc. (FAI), na pinangungunahan ng pamilya Gonzales.

Lumalabas sa ruling ng appellate court na merong merito ang argumento ng petitioners sa umano ay maanomalyang ginawa laban sa board of directors of Professional Services Inc. (PSI), ang operator ng The Medical City (TMC), ay intra-corporate at hindi ito kasama sa hurisdiksiyon ng SEC.

Sa desisyon kasi ng SEC noong 13 August, dineklara nito na ang lahat ng sapi (shares) ay issued to and paid nina Gonzales at Viva Holdings, isang foreign investment fund noong 2013, kung saan null and void daw po ito o walang bisa.

At lahat ng shares nina Gonzales at Viva na kanilang nakuha o acquired sa ibang shareholders o subscribed mula sa kompanya ay dapat ibalik bilang treasury shares.

Malinaw sa ruling ng CA na ang reklamo ni Bengzon at kasama niyang stockholders na nagsabi sa SEC na merong anomalya sa pagkuha ng kanilang shares at gusto nilang ipabalewala ay hindi sakop ng SEC kundi ng Regional Trial Court.

Yun lang, sa tagal ng usapin at nakarating pa sa CA, lumalabas na intra-corporate dispute ang isyu at marerelba ng korte at hindi na SEC dahil nga mga brad, wala itong hurisdiksyon sa usapin.

Parang ang mga kaso lamang na isinampa sa Metropolitan Trial Court hinggil sa Dengvaxia, na-dismiss for lack of jurisdiction dahil ang usapin ay dapat sa RTC isampa, buti na lamang ang Public Attonery’s Office sa pangunguna ni Atty. Persida Rueda Acosta ay nanalo sa Korte Suprema at meron na ngayon isang family court para dinggin ang naturang kaso ng pagkamatay ng napakaraming bata.

Binanggit ng CA na sa ilalim ng Section 5.2 of the Securities Regulation Code (SRC) nailipat na para sa RTC ang hurisdiksiyon para desisyunan ang kasong “involving devices or schemes employed by or any acts, of the board of directors, business associates, its officers or partners, amounting to fraud and misrepresentation.”

May basehan ang ruling na ang SEC ay walang kapangyarihan na ideklarana ang pagdagdag ng shares ng Fountel, FAI at Viva ay null and void, “or to divest persons of their property by mere administrative action.”

Batay naman sa Section 5.1 SRC, binigyan nito ang SEC ng hurisdiksiyon at supervision sa lahat ng korporasyon, asosasyon, at partnerships na nabigyan ng prangkisa at permit to operated ng pamahalaan at hindi nangangahulugan na meron itong kapangyarihan na ipawalang bisa ang pribadong transasksiyonues kasama ang pagbili ng shares ng isang korporasyon.

So sana, tapos na ang usapin hinggil sa tunggalian dahil kailangan nakapokus ang lahat dahil andiyan pa rin ang pandemya at wala pang bakunangn dumarating.

Advertisement
Advertisement
Advertisement