Concept News Central
3 pulis na wanted sa pagpatay sa Koreano arestado

Published
5 days agoon

Arestado ang 3 pulis Maynila matapos akusahan ng umano’y pagpatay sa isang Koreano sa Maysan, Valenzuela City noong 15 Pebrero.
Kinilala ni Manila Police District Director P/BGen. Leo Francisco ang mga inaresto na sina PCpl Darwin Castillo, PSSG Carl Legazpi at PCpl Samruss Inoc, pawang nakatalaga sa Roxas Blvd. PCP, Malate Police Station 9 Baywalk, Maynila.
Hinuli ang tatlo ganap na alas-3 ng hapon noong 21 Pebrero.
Idinagdag ni Francisco na inaalam pa ang motibo ng pagpatay sa biktimang si Sunuk Nam, 44.
Inaresto ang tatlo ng Valenzuela City Police Tracker team sa pakikipag-ugnayan sa MPD sa pamumuno ni Major Ferdinand Mendoza.
Naaresto si Inoc sa loob ng Cultural Center, samantalang nahuli si Castillo ng tracker team sa Quarantine Control Point sa Baywalk, Roxas Blvd.
Naka-duty si Legaspi bilang miyembro ng security team sa Mendiola detachment sa San Miguel Manila nang siya ay arestuhin,
Agad na dinala ang tatlong suspek sa SITG tracker team ng Valenzuela CPS sa McArthur Highway, Karuhatan.
Natagpuang patay si Nam sa harap ng Angelous Cemetery, Purok 4, Area 6, G. Marcelo st., Maysan, Valenzuela City, ganap na alas-7 ng umaga noong 15 Pebrero.
Naunang naaresto ng Valenzuela police ang walong suspek kung saan itinuro ang tatlo pulis na sangkot umano sa krimen.
Nahaharap ang tatlo sa kasong murder.
Bukod sa kasong kriminal, nahaharap ang tatlo sa kasong administratibo.

Lin won’t ‘name, shame’ in racism claim

Commitment to protect the environment

Tala Hospital sa Caloocan handa na para sa Sinovac vaccines

Nahuling walang mask, kalaboso sa P204K na halaga ng shabu

Heat slay giant anew

Ready for deployment

PNP-PDEA SHOOTOUT PROBE SA KAMARA KANSELADO

Gary V, Arjo, Donny, Maymay, Edward, Francine di lalayas ng ABS-CBN

Bad back bothers Nadal

DoTr issues latest travel protocols

It’s official: Ellen Adarna, Derek Ramsay now a couple

Go-Digong tandem revs up for 2022

Sara-Digong takes shape, too

Why Willie Revillame is thankful

‘Let De Lima join sessions’

Duterte signs Indemnity Fund Law

Making love for a living amid Covid-19

Duterte orders GCQ in MM, 9 other areas beginning March 1

Guevarra admits lapses in drug ops
