Connect with us

Concept News Central

Isko, Erap bati na nga ba?

Pat C. Santos

Published

on

Matindi ang usap-usapan na nagkakamabutihan na ang friends-turned-enemies na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ito ay matapos na tumayong mga principal sponsors ang dalawa sa kasal ng isang konsehal.  Kasama rin si Manila Vice Mayor Honey Lacuna bilang ninang sa kasal.

Ito ang kauna-unahang pagkikitang muli nina Moreno at Estrada matapos ang 2019 elections kung saan tinalo nang una ang dating presidente at noon ay reelectionist bilang alkalde ng lungsod.

Nagpakuha pa ng larawan ang dalawa na ipinost pa ni Moreno sa kanyang social media page.

“Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada. Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako. Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya,” pahayag ni Moreno.

“Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito…kay dating Pangulong Erap, God bless you po. stay healthy and safe ,” dagdag pa nito.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement