Connect with us

Concept News Central

Lasing na lolo nag-amok, arestado

Pat C. Santos

Published

on

Arestado ang 72-anyos na lalaki matapos na maghamon ng saksakan habang hawak-hawak ang isang kutsilyo sa Tondo, Maynila, Sabado ng gabi.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si Sergio Jugo, ng 1988 G. Perfecto st., Tondo.

Ayon kay P Lt.Col. Harry Lorenzo lll, station commander ng Manila Police District- Police Station 7, nangyari ang insidente ganap na alas-7:30 ng gabi sa kanto ng G.Perfecto st., at Luzon st., Brgy.157, Tondo.

Sa ulat ng mga opisyal ng Brgy.157, nakatanggap sila ng reklamo na isang lasing na lolo ang nagwawala at naghahamon ng away.

Tinangka pang pahupain si Jugo ng mga rumespondeng tanod, bagamat sila ang kanyang pinagbalingan, dahilan para humingi na sila ng tulong sa pulisya.

Nang dumating ang mga pulis, nadatnan ang suspek na may dala-dalang kutsilyo at sumuko naman matapos ang ilang minutong negosasyon.

Dinala siya sa police station kung saan siya nakakulong ngayon.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement