Connect with us

Concept News Central

2 patay sa pamamaril sa Baseco

Published

on

Palaisipan pa rin sa mga imbestigador ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pagpatay sa magkaibigan matapos na pagbabarilin sa Baseco, Port Area, Maynila, Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Capt. Henry Navarro, ng MPD-Homicide Section ang mga biktima na sina Leif Erickson Parama, 29, residente ng Block 2 Baseco;  alyas Jennifer Legazpi.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ni P/MSg Dennis Suba, nangyari ang insidente ganap na alas-3:30 ng hapon sa Block 8, Barangay 649, Zone 68 Baseco compound.

Natagpuan ang duguang mga bangkay ng dalawang biktima nang naka-duty na barangay tanod na si Mariel Ramirez.

Nagtamo ang mga biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.

Sinabi ng ama ng isa sa mga biktima na si Gerardo Parama, 55, wala siyang alam na kaaway ang kanyang anak.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement