Connect with us

Concept News Central

BUHAY ANG DEMOKRASYA – PALASYO

Published

on

Pinaninindigan ng Malacanang nitong Huwebes na nananatiling buhay ang demokrasya sa bansa sa kabila ng pagdausdos ng Pilipinas sa Economist Intelligence Unit (EIU) ranking ng isang puntos.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi umano maituturing na “major slip” ang pagbaba ng Pilipinas sa global index at sa kabila rin ng pagiging huli nito sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia.

Sa tala ng EIU, ang Pilipinas ay nasa rank 55 out of 167 countries na naitala sa Democracy Index 2020 na inilabas noong Miyerkules, isang puntos ang ibinaba mula sa 54th ranking ng bansa noong 2019, 53rd noong 2018 at 51st noong 2017.

“Hindi po iyan major slip, kumbaga,” saad ni Roque.

Paliwanag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, kahit mas mataas sa Pilipinas ang Taiwan, Malaysia at Timor Leste, nauuna naman ang bansa sa Indonesia, Thailand, Singapore, Myanmar, Vietnam at Laos.

“Kung titingnan po natin ang datos, naunahan po tayo ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste. Pero we are ahead of Indonesia, Thailand, Singapore, Myanmar, Vietnam and Laos; in other words, ahead of almost all the major countries of Southeast Asia,” sabi ni Roque.

Ayon pa sa EIU, 6.56 ang iskor ng Pilipinas kaugnay sa electoral process and pluralism, functioning government, political participation, political culture at civil liberties.

Ang ranking na ito ay naglagay sa bansa sa kategoryang “flawed democracy” kung saan ang mga bansa “have free and fair elections, even if there are problems (such as infringements on media freedom).”

“We will strive to do better, but that ranking po shows that democracy is very much alive in the Philippines,” ani Roque.

“Our democratic institutions are working. We have an independent judiciary, an independent legislative department, and of course, an executive department that is always the victim of criticisms,” dagdag niya.

Si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo naman, iginiit na iginagalang pa rin ng pamahalaan ang boses ng masa “as evidenced by the endless criticisms from the political opposition, the Left, as well as the government’s detractors.”

“We will similarly continue to respect and promote the civil liberties of our people as we strive to further develop a democratic political culture and produce a government which efficiently functions to address their needs while encouraging their participation in governance,” sabi ni Panelo.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement