Connect with us

Concept News Central

Yassi, out na sa serye?

Avatar

Published

on

Mga mars, mukhang go na go na at wala nang makakapigil pa sa pag-alis ni Yassi Pressman sa Ang Probinsyano lalo ngayong may nag-leak nang larawan kung saan makikita na duguan ang aktres sa nasabing scene.

Noong mga nakaraan pa kumakalat ang alingasngas na aalis na nga si Yassi sa nasabing serye na pinagbibidahan nila ni Coco Martin at nakatakda na raw ang pagkamatay ng karakter niya sa kuwento bilang si Alyana.
At sa pag-exit ni Yassi, si Jane de Leon daw ang papalit sa kanya bilang love interest ni Coco sa serye at nito lang, inintroduce na si Jane bilang bagong karakter sa action-drama series.

Ayon sa mga netizens na nakakita ng larawan na kumakalat na sa social media, wala namang silang magagawa kung aalis si Yassi, pero siguradong malulungkot sila.

“Goodbye (crying emoji). Hindi namin makakalimutan ang mga sweet ninyo at akala namin habang buhay kayo yun pala hindi pinagiyak niyo kami (heartbreak and crying emoji) ito na pala ang huling buhay ni alyana (crying and heartbreak emoji),” saad ng isang netizen.

May isang netizen naman ang nakapansin sa suot na damit ni Yassi sa mga eksena at sinabing malapit na ngang matigok ang karakter ni Yassi na si Alyana.

Naging bahagi ng teleserye ni Coco si Yassi noong 2016 at mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang paglabas niya sa programa hanggang sa maging regular na bilang misis ni Cardo.

Kung matatandaan, bago pumasok ang 2021, napabalitang magpapaalam na “Probinsyano” si Yassi dahil marami siyang gagawing projects this year sa Viva Entertainment.
Good luck sa mga bago mong gagawin Yassi! Char!

Advertisement
Advertisement
Advertisement