Concept News Central
Sorry na, puwede ba?
Published
1 month agoon

Humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa mga senador nitong Huwebes matapos ang kanyang pahayag na ginagamit lamang umano sa pulitika ang ginagawang Senate inquiry para sa procurement ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines.
Kung matatandaan, kinuwestiyon ng mga senador ang pag-procure ng gobyerno ng mga bakuna mula sa China na napabalitang mas mahal at hindi ganoon kaepektibo kaysa sa ibang mga bakuna.
Ilang senador ang nagtanong kung magkano ba talaga ang halaga ng bakuna na mula sa China, pero hindi ito isiniwalat ni Galvez dahil pumirma umano siya ng kasunduan sa mga vaccine manufacturers na hindi siya sasabihin ang presyo ng bakuna.
Pero nito lang nakaraan, sinabi na rin ni Galvez sa ilang mga senador ang presyo ng bakuna sa ginanap na dinner meeting kung saan ang kanyang binanggit ay ang tinatawag na “indicative prices.”
“Nakita rin nila na iyong potential gains natin ay umabot pa ng more or less $1 billion. Talagang nakita nila iyong talagang ginagawa natin ay may due diligence, and very prudent,” saad ni Galvez sa isang public briefing.
Nagpasalamat rin si Galvez sa mga senador sa pag-unawa ng mga ito na “binding” ang mga non-disclosure agreements sa mga presyo ng bakuna.
“Mayroon din akong pagkukulang at iyong aking akusasyon na ginagamit iyong pulitika sa Senado, iyong hearing—ako po ay nagkamali. And I want to make an apology on that,” sabi ni Galvez.
“Mali po iyong balita na magwa-walk out po ako. Talagang ano po iyon, hindi tama po,” dagdag niya.
Nito lamang nakaraan, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na naging “abusive” umano ang mga senador sa ginanap na hearing kung kaya naman sinabihan nito si Galvez na maaaring itong umalis sa mga pagdinig.
“Ang sinabi ko po dito, it’s a specific instruction from the President. But I never said anyone walked out, and I never said anyone will walk out,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.


Biz groups divided over vaccine policy in workplace

John Lloyd Cruz disowns FB account, says he does not have any social media

Gunmen snatch cop in Bulacan

Galvez to officials: Respecting vax priority list a ‘moral obligation’

Palace mourns passing of Jesuit constitutionalist Fr. Joaquin Bernas

SSS urges members to continue monthly contributions

PNP nets Cagayan Valley’s 57 most wanted

2 barangay captains, 2 others yield explosives, guns in Ilocos Sur

2 killed, 3 hurt after van plunges into ravine

Fr. Joaquin Bernas dies at age 88

MVP leaves PLDT soon

AstraZeneca delivery due Thursday night

Mt. Pinatubo nagparamdam, alert level itinaas

UST lab to develop oral Covid vaccine

Who’s next for vax after med workers?

Sister saviors of Masungi

Warning raised on deadlier Brazil variant

Take it, take it!

WHO warns of COVAX pullout
