Connect with us

Concept News Central

Pinaglaruang sumpak pumutok, bata patay

Aldwin Quitasol

Published

on

Ang sumpak ay improvised shotgun. (RMN)
BAGUIO CITY — Isang limang taong gulang na babae ang namatay sa Abra nang tamaan ng bala mula sa sumpak na pumutok habang pinaglalaruan niya kasama ang mga kalaro Huwebes ng hapon.
Ayon sa pulis, nagalaw ang gatilyo ng sumpak at pumutok ito nang isukbit ni Glea Jane Bolante, taga-Barangay Monggoc sa bayan ng Pidigan, ang baril sa kanyang likod. Agad namatay ang biktima sa tama ng bala alas-4 ng hapon. 
Dalawang batang kalaro ng biktima ang himalang nakaligtas dahil hindi sila tinamaan ng bala. Ang mga bata ay inutusang umigib ng tubig
Inaalam ng pulis kung sino ang may-ari ng sumpak.
Samantala, humihingi ng hustisya at masusing imbestigasyon ang pamilya ng biktima. May suspetsa sila na may foul play sa nangyari dahil hindi sila naniniwalang kaya ng bata na maiuguy ang sumpak sa kanyang likod.
p: wjg

Advertisement
Advertisement
Advertisement