Concept News Central
Pia Wurtzbach, nagbalak magpabawas
Published
1 month agoon

Sa mga hindi nakakaalam, nagbalak palang magbawas ng kanyang dibdib si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at pag-amin niya, isa kasi yun sa mga insecurities niya sa katawan dahil talaga namang hindi maikakaila ang size ng kanyang boobs.
Sa isang social media post, sinagot ng beauty queen ang mga tanong ng netizens — kabilang nga ang tungkol sa lovelife niya, katawan at future plans sa personal na buhay at career.
May isang netizen na nagtanong kung may plano ba siyang pabawasan ang kanyang boobs, na game namang sinagot ng dalaga.
“There was a time when I was much younger that I was thinking about it but then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki ‘yung mga scars na maiiwan niya so buti na lang,” sabi ni Pia.
“Honestly, siyempre nong bata pa ako na insecure talaga ako sa katawan ko especially dito (dibdib) kasi siyempre inaasar ako sa school, nahihiya ako pero as I got older, I learned how to be more confident,” dagdag niya.
Nilinaw rin ni Pia ang mga katanungan tungkol sa estado ng relasyon niya sa boyfriend niyang si Jeremy Jauncey at kung enagaged na nga ba sila.
“False. Ito talaga unang tanong!? Ha-hahaha. If it was true trust me you’d know. It’s not true. And I know there’s a video on YouTube that says I’m engaged,” paglilinaw ni Pia.
Nang tanungin kung moody ba ang kanyang boyfriend, sagot ni Pia: “Okay, that is absolutely not true. In fact, parang ako pa nga ‘yung mas ano eh, ‘di ko naman masasabing mas moody, ano lang, colorful personality.”
Kasabay nito, nilinaw din niya ang tsika na mas matanda siya kay Jeremy, “Why would you guys think that? Mukha ba akong…hahaha! He is older than me. He is 36 years old now. Baby pa ako.”
Sa kasalukuyan ay nasa Morocco pa rin si Pia at mukhang doon muna siya mananatili habang ipinatutupad ang travel ban mula sa United Kingdom patungo sa Pilipinas dahil sa bagong variant ng COVID-19.
Tsuk!


UN envoy condemns junta’s use of lethal force

Lady of good fortune

Body mass blunder

2GO CabinCargo offers viable alternative to air freight

Duterte finally signs coco levy trust fund law

Spider-Man star caught in Indian Twitter storm mix-up

February inflation might breach 5%

Sunog sumiklab sa Pasay City

Duterte signs indemnity fund bill into law

Vice mayor, town engineer killed; 1 other hurt in Zambo Sibugay shooting

Go-Digong tandem revs up for 2022

Two dead, 3 wounded in shootout between cops, PDEA agents

Hard work, not skills, needed to become a star

Ex-PNP chief Cascolan named undersecretary at Office of the President

Tiger Woods in surgery after roll-over car crash

Pinoy pop group promotes local culture

Duterte to gov’t officials: Finish rehab efforts in storm-hit Surigao del Sur within a week

Steamy sauna

Why Willie Revillame is thankful
