Connect with us

Concept News Central

Bagong silang na sanggol itinapon sa Tabuk City

Aldwin Quitasol

Published

on

BAGUIO CITY–Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa kahabaan ng highway sa Purok Murmuray, Laya East, Tabuk City, Kalinga.
Iniulat ng Tabuk City Police Station na isang kagawad ng barangay ang nakakita sa wala nang buhay na sanggol na nasa loob ng sako ng basura habang nagsasagawa ng cleanup ganap na alas-8 ng umaga ngayong Biyernes.
Natagpuan ng kagawad ang sanggol sa loob ng pulang bag nang buksan ang sako ng basura.
Sinabi ng pulisya na isang saksi ang nakakita sa isang babae na nakasuot ng bathrobe na tinatali ang sako ng basura gabi ng 19 Enero 2021.
Nag-alay ng dasal ang mga pulis at mga opisyal ng barangay sa lugar kung saan natagpuan ang sanggol bago ito dinala sa Balong Cemetery, Tabuk City para mabigyan ng disenteng libing.

Advertisement
Advertisement
Advertisement