Concept News Central
Rason kung bakit nagpositibo sa COVID-19 ang nanay ng unang kaso ng UK variant inaalam na

Published
1 month agoon

Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na iniimbestigahan na kung paano nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang nanay ng unang kaso ng UK variant.
Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, Head ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit(CESU) na hindi tumuntong ng bahay nila sa Kamuning ang pasyenteng nanggaling sa Dubai at nagpositibo sa mas nakakahawang UK COVID-19 variant.
“We are already investigating how the mother of our UK variant case got infected with COVID-19, since the index case never set foot at home or in the community and did not have any interaction with her after arriving in the Philippines from Dubai on 7 January,” sabi ni Cruz.
Ito’y matapos kumpirmahan ng magpositibo ang nanay at kasintahan ng unang kaso ng UK COVID-19 variant.
Sinabi ni Cruz na sumailalim lahat ang mga miyembro ng pamilya ng pasyente ng UK COVID variant sa swab test.
Idinagdag ni Cruz na dinala na rin ang sample ng swab test ng nanay sa Philippine Genome Center noong isang linggo para matukoy kung ito ay isang ordinaryong kaso ng COVID-19 o isang UK variant.
“Her results will be released any day now,” dagdag ni Cruz.
Tiniyak ni Cruz na naka-isolate na rin ang kasintahan ng unang kaso ng UK variant at ipinadala na rin ang kanyang sample sa Philippine Genome Center.
“We will soon learn whether she has the UK variant like the index case, or the regular Covid-19 virus,” ayon kay Cruz.
Kasabay nito, niliwanag ni Cruz na tanging ang unang kaso lamang ng UK variant na sakay ng Emirates flight ang nag-iisang residente ng lungsod.
Sinabi ni Cruz na halos magaling na ang unang kaso ng UK variant.
“We are just waiting for guidance from the DOH if he still needs to extend his quarantine period to ensure he will no longer be infectious,” ayon pa kay Cruz.

Abanse A, Sta. Lucia dispute PSL crown

PSA holds virtual awards

Sotto assures only small percentage of Pinoys to get adverse effects of Covid vax

Blaze hits San Juan building the day before Fire Prevention Month

2 warehouse ng pekeng sigarilyo sa Bataan sinalakay

Teodoro: 600K Sinovac vaccines safe at Marikina storage hub

Lin won’t ‘name, shame’ in racism claim

Commitment to protect the environment

Tala Hospital sa Caloocan handa na para sa Sinovac vaccines

Nahuling walang mask, kalaboso sa P204K na halaga ng shabu

It’s official: Ellen Adarna, Derek Ramsay now a couple

Go-Digong tandem revs up for 2022

Sara-Digong takes shape, too

Why Willie Revillame is thankful

‘Let De Lima join sessions’

Duterte signs Indemnity Fund Law

Making love for a living amid Covid-19

Duterte orders GCQ in MM, 9 other areas beginning March 1

PDEA-QCPD shootout no chance encounter
