Concept News Central
Efren ‘Bata’ Reyes: Buhay pa, pero wala nang magic
Published
1 month agoon
By
WJG
Scratched.
‘Yan ang nangyari sa bali-balitang namatay na ang hari ng bilyar na si Efren “Bata” Reyes nang pabulaanan ng kanyang anak ito.
Naglabas ng pahayag si Chelo Reyes sa kanyang social media nitong Sabado na buhay ang kanyang ama.
Ayon kay Chelo, nanonood ng NBA game at katatapos lang mag-almusal ang tatay niya sa kanilang bahay sa Angeles, Pampanga nang kumalat sa social media na patay na siya.
Nagpakuha ng video ang living legend na ipinost ni Chelo sa social media.
“Okay lang ako,” pahayag ng dating 9-ball at 8-ball champion sa video habang kumakaway.
Nilagyan ni Chelo ng caption ang Facebook post na huwag maniwala sa fake news. Ipinasa-Diyos na lamanng niya ang nagkakalat ng balita.
Nagpadala din si Reyes ng isa pang video na sumasargo siya sa isang TV show bilang pruweba na buhay pa siya.
“Heto po ako, buhay na buhay,” pabirong sabi ni Reyes sa video na naglalaro siya ng bilyar sa Pampanga.
Maririnig pa sa video ang palakpakan ng mga tao.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naulat na namatay na ang 66-taong living legend. Tinatawanan lamang niya ang maling balita.
Tinaguriang “The Magician” si Reyes dahil kanyang mga pambihirang tira sa bilyar. Huling lumaro siya sa 2019 Southeast Asian Games at nakasungkit siya ng bronze medal sa men’s 1-cushion carom. Tinalo siya ng taga-Vietnam na si Dinh Nau Ngo sa semifinals sa score na 100-14.
Inamin naman niya na hindi na mataas ang level ng kanyang kakayahan kaysa noong bata pa siya.
“Hindi ko na maitaas. Wala na ‘yung magic ko ngayon. Hindi na ko puwede mag-mase, hindi na ako puwede mag-kaliwa, masakit na. Kaya ‘yung mga dating tinitira ko na may magic, wala na. Hindi na gagana,” sambit ni Reyes, ayon sa mga balita.


2GO CabinCargo offers viable alternative to air freight

Duterte finally signs coco levy trust fund law

Spider-Man star caught in Indian Twitter storm mix-up

February inflation might breach 5%

Sunog sumiklab sa Pasay City

Duterte signs indemnity fund bill into law

Vice mayor, town engineer killed; 1 other hurt in Zambo Sibugay shooting

Kahihinatnan ng VFA idadaan sa tao—Duterte

Sinovac offered to health workers despite FDA’s warning

Duterte: NBI lamang ang mag-iimbestiga sa PNP-PDEA ‘misencounter’

Go-Digong tandem revs up for 2022

Two dead, 3 wounded in shootout between cops, PDEA agents

Hard work, not skills, needed to become a star

Ex-PNP chief Cascolan named undersecretary at Office of the President

Tiger Woods in surgery after roll-over car crash

Pinoy pop group promotes local culture

Duterte to gov’t officials: Finish rehab efforts in storm-hit Surigao del Sur within a week

Steamy sauna

EDSA 1986 was a nightmare in Philippine history
