Latest
Robredo: Karapatan ng Filipino mamili ng vaccine na gusto nila

Published
2 months agoon

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na may karapatan ang mga Filipino na mamili ng brand ng Covid-19 vaccine na ituturok sa kanila.
Ito ang kanyang naging tugon matapos na maunang sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat maging choosy ang mga Pinoy kung anong gagamiting vaccine para sa kanila para labanan ang virus.
“Dapat siguro ipaalala na iyong kalusugan natin karapatan natin iyon, ‘di ba. Hindi ito isang pribelehiyo na hindi dapat accessible sa lahat pero ito ay isang karapatan na puwede nating i-demand,” ayon kay Robredo sa kanyang radio program sa dzXL.
“Kaakibat doon sa karapatan na iyon iyong karapatang magtanong ano iyong isasaksak sa katawan mo, ‘di ba.”
Giit pa ng opisyal na mas makabubuting ayusin ng pamahalaan ang pakikipag-komunikasyon para maibsan ang takot ng publiko hinggil sa kaligtasan at bisa ng mga vaccines na dadalhin sa bansa.
Anya kung hindi maire-relay nang maayos ang tamang impormasyon hinggil sa mga bakunang ito ay magdadala lang ito ng kontrobersiya, may basehan man ito o wala.
“Hindi nako-communicate nang maayos iyong—may mga statements na sinasabi iyong iba nating mga government officials na hindi nakakatulong,” ani Robredo.
“Whether may basehan iyon o wala, pero ganoon iyong impresyon ng tao na parang may kinikilingan tayo… May pinipili tayo na, parang may isang vaccine na nakakaangat sa iba,” dagdag pa niya.

Hallmarks of ineptitude

Eating humble pie

Immunity choices

Discovery

Gerald Anderson’s revelations draw sarcastic reactions

‘Jabs pecking order a moral obligation’

Funds won’t fall short for serums

Astra vaccine drive kicks off despite fears

Business groups at odds on free vax

Wesley So a big loss

MVP leaves PLDT soon

UST lab to develop oral Covid vaccine

Sister saviors of Masungi

Warning raised on deadlier Brazil variant

Take it, take it!

Fr. Joaquin Bernas dies at age 88

Mt. Pinatubo nagparamdam, alert level itinaas

WHO warns of COVAX pullout

Francine Diaz to Star Magic talents: Don’t be nervous
