Connect with us

Latest

EO ilalabas ni Duterte para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto–Go

TDT

Published

on

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na nakatakdang maglabas si Pangulong Duterte ng executive order na naglalayong mapigilan ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, partikular ang mechanically deboned meat (MDM) ng manok at turkey.

Idinagdag ni Go na inirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukalang EO.

“This is most welcome and I support it. If signed by the President, this has a huge impact on keeping prices low by keeping the tariffs low and preventing any inflationary impact,” sabi ni Go.

Ayon pa kay Go, sakaling mapirmahan ni Duterte, malaki ang maitutulong ng EO sa taumbayan, lalo na sa mga mahihirap.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement