Connect with us

Concept News Central

Buenavista, Marinduque Vice Mayor Siena pumanaw na

Published

on

Pumanaw na si Buenavista, Marinduque Vice Mayor Hannilee Siena, kinumpirma ito ng kanyang mga kaanak.

Si Siena ay kapartido ni Speaker Allan Lord Velasco na tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban. Kapwa taga Marinduque sina Siena at Velasco.

Nanungkulan din si Siena bilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Buenavista.

Kabilang si Siena sa iilang babaeng nahalal sa pwesto sa Marinduque noong nakaraang 2019 eleksiyon.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ni Siena matapos ang kanyang pagpanaw.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement