Connect with us

Latest

100 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Muntinlupa City

Avatar

Published

on

Umabot sa 100 pamilya o 450 indibidwal ang nawalan ng bahay matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Barrio, Pulong Bisaya National Road, Muntinlupa City, kaninang alas-8:20 ng umaga.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) FSupt. Roberto Samillano umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na nagsimula sa kisame ng kuwarto ng isang Francisco Amorado.

Idinagdag ni Samillano na mabilis kumalat ang sunog dahil pawang gawa sa magagaang materyales ang mga apektadong bahay.

Nasugatan naman ang isang bumbero dahil sa pagmamadaling makapasok sa makipot na bahagi ng lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging mitsa ng sunog.

Advertisement
Advertisement
Advertisement