Connect with us
Click me!

Concept News Central

Maria Ressa nahaharap sa ikatlong cyber libel case

TDT

Published

on

Sinampahan ang journalist at Rappler CEO na si Maria Ressa ng ikatlong cyber libel sa Manila Regional Trial Court kasama ang reporter na si Rambo Talabong kaugnay ng artikulo laban sa chairperson ng De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) na nailathala noong 23 Enero 2020.

Isinampa ng thesis coordinator na si Ariel Pineda ang cyber iibel laban kina Ressa at Talabong matapos akusahan ang una na hiningan umano ang mga estudyante ng Export Management Program ng CSB para makapasa sa kanyang hinahawakang klase.

Ayon sa artikulo, gumamit umano si Pineda ng middeman na siyang kumausap sa mga estudyante.

Nakapagpiyansa na kapwa sina Ressa at Talabong ng P30,000 bawat isa matapos ang arrest warrant na inilabas laban sa kanila.

Nauna nang umayaw si Makati Regional Trial Court Branch 147 Presiding Judge Maria Amifaith Fider-Reyes na hawakan ang ikalawang cyber libel case na isinampa laban kay Ressa.

Nag-inhibit si Fider-Reyes sa paghawak sa kaso bunsod ng death threat na natanggap nito noong Dis. 4.

Isinampa ang ikalawang kaso base sa screenshot ng 2002 newspaper article tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng na idinadawit sa krimen na kanayng ipinost sa Twitter.

Nauna nang na-convict si Ressa noong Hunyo sa unang cyber libel case na isinampa sa kanya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement