Connect with us

Concept News Central

35 NPA sumuko sa ika-52 anibersaryo ng CPP

Published

on

Inihayag ni National Police Chief, Police General Debold Sinas na 35 miyembro ng New People’s Army (NPA) mula sa Caraga at Eastern Visayas ang sumuko sa ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philipines (CPP), ngayong Sabado, 26 Disyembre.

Idinagdag ni Sinas na dalawang matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF na wanted dahil sa kasong kidnapping at murder ang nahuli sa Quezon.

Samantala, mula 18 Disyembre hanggang 26 Disyembre 2020, anim na NPA ang naaresto, samantalang 108 ang sumuko, at 45 na iba’t ibang uri ng baril at walong pampasabog ang nakumpiska.

Sinabi ni Sinas na mula Enero hanggang Nobyembre 2020, umabot sa 366 NPA ang naaresto, 111 ang napatay sa operasyon at  2,829 ang sumuko.

“The enactment of Republic Act 11479 or the Anti-Terror Act boosts opportunities for the PNP to fully end the local insurgency,” dagdag ni Sinas.

Tiniyak ni Sinas na patuloy ang ginagawang operasyon ng PNP laban sa rebeldeng grupo.

“It is still likely that they will attempt to mount armed offensives, possibly through the use of improvised landmines to ensure casualties. With more equipment and personnel for tactical police operations, including five newly-organized maneuver battalions of the PNP Special Action Force, the PNP is poised to hit harder on its assigned internal security tasks and specific targets,” ayon pa kay Sinas.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement