Connect with us

Latest

DOLE isinulong ang P6K minimum wage para sa mga kasambahay

Raymart Lolo

Published

on

Isinulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P6,000 minimum wage para sa mga kasambahay sa buong bansa.

Sa isang press conference, iginiit ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi dapat kumuha ng kasambahay ang mga employer kung hindi naman sila kayang paswelduhin.

“If you could not pay them P6,000 then do not get a housemaid. You clean your own house, you clean your own car, you bathe your own pets,” sabi ni Bello.

“Don’t hire housemaid for a very meager amount of Php 3,000. That is too low. They can’t even buy a cellphone [with such amount],” dagdag ni Bello.

Base as pinakahuling survey na isinagawa ng DOLE at ng Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay ng implementasyon ng Republic Act (RA) 10361 o ang Kasambahay Law, lumalabas na ang average na buwanang sweldo ng mga kasambahay sa bansa ay P4,141. Aabot naman sa P2,681 ang sweldo ng mga kasambahay sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) at hanggang P5,958 sa Metro Manila.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement