Concept News Central
Mga bagets mas madaling mahawa ng Covid-19 sa bahay kaysa school — Briones

Published
2 years agoon
By
Neil Alcober
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mas mataas anya ang porsyento na mahawaan ng COVID-19 ang mga bata sa kanilang tahanan kumpara sa mga eskwelahan ayon umano sa isang pag-aaral.
“Dahil iyong mga pag-aaral na lumalabas tungkol sa COVID at saka sa mga bata on a worldwide scale – ang UNICEF nag-compile ng lahat ng mga pag-aaral na iyon – nagpapakita na more than 90 percent ng mga infection sa mga bata ay hindi naman galing sa school,” saad ni Briones sa Laging Handa briefing.
“Pinakamababang source of infection ang school dahil guwardiyado iyon at lahat, 90 percent ay sa homes. So mahalaga ang papel ng mga parents dahil uuwi naman iyong mga bata sa school at wala naman tayong control kung ano ang sitwasyon sa loob ng mga bahay ng mga bata. Kaya kailangan talaga ang cooperation at saka ang consent ng parents,” dagdag pa ng kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na sisiguraduhin ng kagawaran na may commitment ang mga transport and ibang providers na magiging safe ang kanilang produkto.
“Sa canteen halimbawa, hindi puwede iyong buffet styles ng pag-ano ng pagkain kung may pagkain man na isisilbi; itong lahat babantayan talaga,” ani Briones.
“Dahil ang bata, puwedeng makapulot ng virus sa iba’t-ibang lugar at ang kapasidad niyan sa pagkalat ng bata ay mga bagong studies, ginawa ng Harvard, nagpapakita na ang mga bata kung minsan maski asymptomatic, baka nagdadala na iyon ng mga virus, iyong ating mga bata,” dagdag pa ng kalihim.
Tiniyak naman ng Department of Education na kanilang babantayan ang mga mag-aaral at guro na hindi mahawaan ng Covid-19 habang sumasailalim sa dry run ng face-to-face classes sa Enero sa susunod na taon.
“Kasi, ina-assure natin, we want to make sure na iyong distancing will be observed, ventilation is going to be implemented, iyong open air, etc., at saka palaging minamanman at binabantayan iyong mga bata at saka mga teachers,” ani Briones.
“So, ang starting point iyong classification na low risks sila but beyond that, consent of the local governments, consent of the parents and iyong preparedness level of iyong environmental aspects, the physical, the mental aspects of a child being school,” dagdag pa ng kalihim.
Nitong Lunes ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 simula Enero sa darating na taon.
Kamakailan lang ay sinabi ng pangulo na hindi nya papayagan ang blended learning hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.
LIKE US ON FACEBOOK

‘Mobilize UK army’

HANDA NA PARA SA BBM INAUGURAL

Ilang kalsada sa Caloocan isasara

Banta ng ASF, bumaba na

War ends if Ukraine surrender — Kremlin

Finland, Sweden bag NATO membership

Djokovic, Murray eye Wimbledon third round

Salubungin ang ika-17 pangulo ng Phl

Kelly Day, may buwelta sa basher

Kylie Verzosa, nakakuha ng wedding proposal

Biden sends VP’s husband

BBM clears last obstacle at SC

Palace urges Senate: File raps vs agri smugglers

SEC orders closure of Rappler

Local groups reset WPS bid

Security forces secure Metro Manila

MM still under Alert Level 1

Marcos’ face-to-face SoNA mulled

Solo parents get more benefits
