Connect with us

Latest

Ex-convict patay matapos pagbabarilin sa harap ng simbahan

Pat C. Santos

Published

on

Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Balut, Tondo, Maynila, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Alexander Rivera, 34, ng Rodriguez, Brgy 129 Balut, Tondo, Maynila

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ni Rivera ang kahabaan ng H. Lopez at papalapit na sa San Roque Church, nang pagbabarilin siya ng salarin na naghihintay sa kanya sa kabilang direksyon.

Dinala si Rivera sa Tondo Medical Center, bagamat nasawi rin dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na dalawang beses na nakulong si Rivera.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo at nasa likod ng pamamaril.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement