Concept News Central
VCO studies, suportado ng DoH
Published
1 month agoon

Inihayag ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III na sinusuportahan ng kanyang ahensya ang mga pag-aaral kaugnay sa paggamit ng virgin coconut oil para sa mabilis na pagpapagaling ng mga pasyenteng inoobserbahan dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Duque na magiging maganda para sa bansa kung magkakaroon ng alternatibong makakapag-paayos ng pakiramdam ng mga taong may COVID-19.
“We support the worthy efforts of the Department of Science and Technology (DoST) kung makakatulong ito sa pagpapaige o pagpapagaling ng mga pasyenteng may COVID,” saad ni Duque.
Kung matatandaan, inobserbahan ng DoST at Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang 57 probable at suspect cases para sa COVID-19 sa Sta.
Rosa, Laguna at lahat sila nasa 20-anyos at mahigit ang edad, at walang problema sa puso.
Ang kalahati sa kanila binigyan ng VCO kasama ng kanilang pagkain, habang ang kalahati pa na nagsisilbing control group ay walang VCO na natanggap.
Sa pag-aaral, ang sintomas sa VCO group ay bumaba sa ikalawang araw at tuluyang nawala noong ika-18 araw.
Bumaba rin umano ang c-reactive protein levels na tumutukoy sa infection level ng isang tao.
“Tayo sumusuporta diyan. Alam naman natin matagal na na ang VCO may taglay itong anti-microbial o anti-viral properties baka makatulong naman ito sa mas magandang pangangasiwa ng mga COVID-19 infection,” sabi ni Duque.


Take me to these churches

Senate’s AMLA take falls short — AMLC

Biden pushes unity two days before taking over crisis-laden White House

DTI sees high export market in Europe

Easing monetary policy prods full T-bills award

Fruitas eyes P500M net income by 2025

Win cash prizes at Caltex via PayMaya QR

State fuel marking generates P178.8B

NPC orders Familyhan to delist 6K borrowers

Globe upgrades 4G LTE infra in VisMin areas

Sinovac vaccine costs only about P650 per dose in Phl: Palace

Lav on Lloydie: He’s fearless, mysterious, poetic

Legislate ownership limits

Recovery, laundering bills top House agenda

Palace dismisses jabs price claims

Global death toll hits 2 million

NTF Covid statements confusing senators

Phl, China seal P47B Subic-Clark railway project

First jab
