Concept News Central
Darna, sa TV lilipad!
Published
1 month agoon

Mga mars, naudlot man sa pelikula, matutuloy na rin sa wakas ang paglipad ng pinakasikat na Pinoy superhero – si Darna — sa 2021 bilang isang television series.
Tuloy na rin ang pagganap ng aktres na si Jane de Leon para sa titular role at magre-resume na umano ang kanilang taping sa susunod na taon kung kaya naman balik-training na rin ang aktres.
Kung matatandaan, pelikula sana ang gagawin para sa muling pagbuhay ng iconic superhero ng bansa na ginampanan noon ni Angel Locsin sa telebisyon at siya rin sana ang muling magbubuhay nito kundi lang dahil sa kanyang spine injury.
Ang aktres naman na si Liza Soberano ang sumunod na napili, subalit nagkaroon rin ito ng injury sa kamay kung kaya naman hindi rin ito natuloy hanggang mapunta nga kay Jane ang role.
At nito lamang nakaraan, kinumpirma ni Jane na finally, magiging teleserye na ang Darna.
“Hindi ko ini-expect, sinurprise nila ako,” pahayag ng young actress after ng contract signing niya with Star Magic at announcement ng Darna TV.
“Andun ang tiwala, na ibinigay sa akin ang bato. Blessed ako talaga.
Nangingibabaw talaga sa akin ang kasiyahan, ganun.
Excited ako sa darating pang chapters.”
“Roller coaster na akala ko postponed.
Ayoko na talaga sanang mag-expect.
Ayun ang prinamis ko kay Lord na kahit na ano, na ayokong mag-expect kasi alam ko naman may mga darating na blessings. ‘Yun din naman ang sinabi ko nung nag-audition ako.
Na kung hindi ako makukuha rito tatanggapin ko.
Na baka para sa iba ito, sa ibang artista.
Pero kung para sa akin magpapasalamat ako ng marami,” dagdag pa niya.
“Kailangan ko lang i-manage kung paano i-handle ang mga ganyan.
Kasi kahit naman ako sa sarili ko tinatanong ko kung bakit ako ang napili.
Pinag-pray ko naman ito kay Lord na gusto ko ring magkaroon ng opportunities pero hindi ko po inexpect ang Darna,” pag-amin pa ni Jane.
Good luck sa iyong paglipad Jane! Char!


Take me to these churches

Senate’s AMLA take falls short — AMLC

Biden pushes unity two days before taking over crisis-laden White House

DTI sees high export market in Europe

Easing monetary policy prods full T-bills award

Fruitas eyes P500M net income by 2025

Win cash prizes at Caltex via PayMaya QR

State fuel marking generates P178.8B

NPC orders Familyhan to delist 6K borrowers

Globe upgrades 4G LTE infra in VisMin areas

Sinovac vaccine costs only about P650 per dose in Phl: Palace

Lav on Lloydie: He’s fearless, mysterious, poetic

Legislate ownership limits

Recovery, laundering bills top House agenda

Palace dismisses jabs price claims

Global death toll hits 2 million

NTF Covid statements confusing senators

Phl, China seal P47B Subic-Clark railway project

First jab
