Connect with us
Click me!

Concept News Central

P802M cash subsidy naipamahagi ng DOTr, LTFRB sa PUV operators, drivers

TDT

Published

on

Umabot na sa P802 milyon ang kabuuang halaga ng ayuda ang naipamahagi sa 123,000 a mga operator at driver ng public utility vehicles sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon sa isang kalatas, ang ayuda ay naipamahagi sa 123,000 units na nasa ilalim ng pangangalaga ng 59,000 operators sa bansa.  Kada unit ng PUVs ay may tig-P6,500 ayuda.

Ayon sa LTFRB, and kabuuanng numero na nakakuha na ng ayuda ay 91% ng kabuuang bilang ng PUVs.

Sa ilalim ng Direct Cash Subsidy, bawat operator ay nakatatanggap ng P6,500 na subsidiya para sa bawat isang unit na nasa ilalim ng kanilang prangkisa. Sa kabuuan ay P802 milyon na ang naipamahagi mula noong ika-16 ng Nobyembre hanggang noong ika-4 ng Disyembre.

“Bukod sa tulong ay pamasko na rin ito ng gobyerno sa mga operator na nakaranas ng hirap nitong mga nakaraang buwan dulot ng pandemya. Maaasahan na matatapos ang pamamahagi nang buo nitong cash subsidy ngayong darating na pangalawang linggo ng Disyembre.” ayon kay LTFRB Chairman Martin B. Delgra III.

Ang Direct Cash Subsidy ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Act o Bayanihan II na hangad na magbigay-tulong sa mga operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon.

Ang mga operator ay nakatanggap sa kanilang bank accounts (maaaring Pantawid Pasada Program (PPP) cash cards, Landbank of the Philippines (LBP), o non-LBP) ng P6,500 para sa bawat isang Public Utility Vehicle (PUV) unit na nakailalim sa kanilang prangkisa.

Ang mga benepisyaryo ng direct cash subsidy ay mga operator ng mga sumusunod na PUV na may nakatakdang ruta:
– Public Utility Bus (PUB);
– Point-to-Point Bus (P2P);
– Public Utility Jeepney (PUJ);
– Mini-Bus;
– UV Express; at
– FilCab

Ang pamamahagi ng Direct Cash Subsidy sa mga operator ay ginagawa sa ALINMAN sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Nilalagay sa Landbank of the Philippines (LBP) Pantawid Pasada Program (PPP) Cash Cards;
2. Sa mga walang PPP cash cards, inilalagay ito sa existing LBP account ng benepisyaryo;
3. Nilalagay sa existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay; o
4. Over-The-Counter withdrawal sa mga LBP servicing branches

Antabayanan na lamang po ang KARAGDAGANG LISTAHAN sa mga susunod na araw.

#LTFRB
#DirectCashSubsidy

https://facebook.com/story.php?story_fbid=2787864491455461&id=1416241841951073

Advertisement
Advertisement
Advertisement