Connect with us

Concept News Central

3 miyembro ng gun-for-hire napatay sa Caloocan City

Alvin Murcia

Published

on

Patay ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng gun-for-hire group matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.

Base sa ulat, may nakuhang impormasyon ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na isang grupo ng gun-for-hire ang dadaan sa kahabaan ng Quirino Highway, kayat naglatag ng isang checkpoint hanggang sa mamataan ng mga pulis ang isang kahina-hinalang kulay silver na Mazda (XEL-583).

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas-1:45 ng madaling araw sa Guadanoville Subdivision, Brgy. 183, Caloocan City.

Pinara ng mga pulis ang sasakyan nang hindi tumigil ang kotse, dahilan para mauwi sa habulan hanggang sa makorner ang mga ito sa naturang lugar.

Ayon pa sa ulat, nakipagpalitan umano ng putok ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo sa apat na sakay ng kotse, samantalang nakataas ang isa pa.

Nagsasagawa umano ng operasyon ang grupo sa Region 3 at nagpunta sa Quezon City kung kaya’t inaalam pa nila ang pakay ng mga suspek.

Patuloy ang isinasagawang manhunt ng pulisya sa nakatakas na suspek habang inaalam na ang pagkakilanlan ng tatlong napatay

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement