Connect with us
Click me!

Concept News Central

2 snatcher arestado sa Sta. Ana

Pat C. Santos

Published

on

Arestado ang dalawang snatcher matapos namang habulin ng mga pulis dahil sa pang-aagaw ng cellphone sa Sta. Ana, Maynila, Martes ng hapon.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police ang mga suspek na sina Ernesto Cunanan, Jr., 32 at residente ng 1921 Oro B. st., San Andres Bukid, Maynila at John Rey Perdis, 20, 1858 Oro B st., San Andres Bukid, Maynila.

Nangyari ang insidente sa loo ng Philwar Carinderia sa kahabaan ng Tejeron st., Sta Ana, Maynila ganap na alas-6:30 ng gabi.

Ayon sa pulisya, kumakain ang biktimang si Kurt Michael Nicolas Gines, 18 sa loob ng eatery nang pumasok ang dalawang suspek at damputin ang cellphone ng biktima na kanyang ipinatong sa mesa.

Nagkataong nasa lugar ang mga pulis na nagpapatrolya at hinabol ang dalawang snatcher.

Nakakulong ang mga suspek sa Sta. Ana Police Station.

 

 

 

 

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement