Connect with us
Click me!

Concept News Central

‘Tanders’ ng boksing nag-draw

Avatar

Published

on

Napatunayan ng mga dating kampeong boksingerong sina Mike Tyson at Roy Jones Jr. na hindi hadlang ang katandaan sa kanilang sports nang magsagupa sila Sabado ng gabi sa Staples Center, Los Angeles, California.

Draw nga lang ang kinalabasan ng 8-round na laban ng 54-taong Tyson at 51-taong Jones sa exhibition match. Walang manunood sa pay-per-view na laban dahil sa pandemya.

Huling tumuntong sa ring si Tyson noong 2005 at tinalo siya ni Kevin McBride. Mayroon siyang total na 50 panalo at 6 na talo kabilang ang 44 knockouts.

Tanggap niya ang resulta o hatol ng mga dating kampeon sa World Boxing Council na nasa ringside kahit pa pakiramdam niya na siya ang nanalo.

“I’m good with that,” pahayag ni Tyson matapos ang laban.

Samantala, Pebrero 2018 ang huling laban ni Jones sa cruiserweight kung saan siya ay panalo at nagtala ng 66-9 record na may 47 KOs. Sa laban nila ni Tyson, mukhang pagod at hinawakan niya lagi ang kalaban.

“I ain’t never happy with a draw. I don’t do draw,” pahayag ni Jones, na umaming nasaktan siya ni Tyson sa buong laban.

Ang mga suntok sa katawan ang ikinapagod ni Jones, pag-amin niya.

Si Tyson ang agresibo at mas mabilis sa laban. Nagpakawala siya ng matinding kaliwa sa ulo ni Jones sa Round 2 na kinagulantang ng huli. Sa sumunod na mga round ay nag-ingat na si Jones at palaging humahawak at yumayakap kay Tyson.

Pero hindi pa kuntento si Tyson sa kanyang pagbabalik sa ring. Sinabihan niya si Jones na dapat nating gawin ito ulit.

Advertisement
Advertisement
Advertisement