Connect with us
Click me!

Concept News Central

Pagkamatay ni Jevilyn huwag gamitin sa propaganda – Rep. Cullamat

TDT

Published

on

Nanawagan si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sa Armed Forces of the Philippines na huwag gamitin sa propaganda nito ang pagkamatay ng kanyang anak sa enkwento sa Surigao del Sur kamakailan.

Kasabay nito kinondena ng kongresista ang pagkakapatay sa kanyang 22-anyos na anak na si Jevilyn, sa isang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at sundalo nitong Sabado.

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar,” ani Cullamat.  Isa umanong paglalapastangan sa labi ng anak ang ginawa ng AFP at sa pamilya niya na nagluluksa.

Sinabi rin ni Cullamat na hindi niya napigilan at nirespeto niya ang desisyon ng kanyang anak nang sumali ito sa NPA.  Anya pa, hindi niya maaaring hadlangan ang pasya ni Jevilyn lalo pa’t naging mulat ito sa pang-aabusong dinanas nilang mga Lumad at bunsod ng matinding kahirapan.

Naniniwala anya siyang hindi nasayang ang buhay ng anak sa pakikibaka.

“Walang pag-alinlangan kong sasabihin ito: ipinagmamalaki ko si Jevilyn dahil lumaban siya sa isang sistemang mapang-api lalo na sa aming mga Lumad. Walang nanay na magtatakwil sa anak na nagsantabi ng pansariling interes at nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan at para sa pagdepensa sa aming lupang ninuno,” dagdag pa ng kongresista.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement