Connect with us
Click me!

Concept News Central

Mikee Quintos ‘mangkukulam’

TDT

Published

on

Sa mga dating palabas tungkol sa mangkukulam, sila ay karaniwang itsurang matanda at pangit. Ngayong panahon, iba na ang itsura nila. Nakakapanibago man, sila ay maganda at sexy.

Sa “Witch is Which” episode ng lingguhang palabas sa GMA Network na “Daig Kayo Ng Lola Ko,” kahapon, ang mga naggagandahang Mikee Quintos at Kate Valdez ang gumanap bilang mga nagtatagisang mangkukulam. Kasama nila sa palabas sina Gloria Romero at Jo Berry.

Ginampanan ni Mikee ang karakter ni Jasmine, isang ampon na hinahanap ang kanyang mga tunay na magulang na mangkukulam. Katulong niya sa paghahanap si Lily na ginampanan ni Jo at Kate.

Hindi naman bago ang role ng 23-taong aktres dahil minsan nang ginampanan niya ang role ng isang engkanto sa “Encantadia.”

Natuwa naman si Mikee sa kanyang pagbabalik taping sa TV para sa nasabing episode. Nagustuhan niya ang script ng “Witch is Which” dahil nagpakita sila ng mga mahika. Nanibago nga lang siya dahil under ng new normal ang taping kung saan marami silang sinunod na patakarang pangkalusugan para hindi mahawa sa COVID-19.

Advertisement
Advertisement
Advertisement