Connect with us
Click me!

Concept News Central

May babae na sa college American football

Avatar

Published

on

Sarah Fuller ng Vanderbilt Commodores. (VA image)

Sumabak ang kauna-unahang babaeng manlalaro sa college American football nang paglaruin ng Vanderbilt University bilang kicker si Sarah Fuller laban sa University of Missouri nitong Sabado sa Memorial Stadium, Faurot Field, Columbia, Missouri.

Si Fuller, na goalkeeper ng pambabaeng soccer team ng mga Commodores, ay pumalit sa nag-iisang lalaking kicker ng Vanderbilt na natalo sa Missouri sa score na 41-0.

Isang play ang ginawa ni Fuller, isang sipa sa second half na umabot sa 35-yardang linya ng Tigers. Ayon sa kanyang coach na si Derek Mason, nasunod ni Fuller ang plano ng team.

Natuwa si Fuller sa kanyang pagkakasali sa mataas na level ng sports. Ayon sa kanya, mai-inspire niya ang ibang babaeng atleta na kaya nilang gawin ang kahit ano basta’t naka-set ang isipan nila doon.

Advertisement
Advertisement
Advertisement