Connect with us

Concept News Central

Rapper na si J-King inaresto dahil sa droga sa Cabanatuan City

Published

on

CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA – Arestado ang fliptop rapper na si Julius Cenon, na mas kilala bilang J-King, matapos mahulihan ng droga sa isinagawang checkpoint sa Barangay Bitas, Sabado ng hapon.
Sinabi ni Cabanatuan City Police Station (CCPS) SDEU chief Police Lt. Col. Barnard Dave Dasugo, na pinara si Cenon at isa pang kasama sakay ng isang neon pink Yamaha NMax scooter dahil kapwa walang helmet.
Tumakas ang isa pang rider patungong Maharlika Highway, bagamat nahuli rin ng mga otoridad.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nahulihan si Cenon, 27, ng isang brown na bag na may dalawang nakabilot na dahon ng marijuana, samantalang nahulihan ang isa pang suspek na si Nhot, 24,  ng isang tooter pipe glass. Kapwa residente ang dalawang suspek ng Cabanatuan City.
Dinala ang dalawa sa custodial facility ng police station para sa paghahain ng mga kaukulang kaso.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement